Advertisers

Advertisers

GABBI MAY REKLAMO SA TRAFFIC

0 33

Advertisers

Ni Beth Gelena

Hindi lahat ay nakisimpatya sa hinaing ni Gabbi Garcia tungkol sa matinding problema sa trapiko, kamakailan.

Sa halip na puro pag-unawa ang natanggap ng aktres, may mga netizen pang nagpaalala na ibang usapan ang maipit sa traffic habang komportableng nakasakay sa sariling sasakyan kumpara sa araw-araw na pakikipagsapalaran ng mga commuter.



May isang netizen na nagsabing hindi pa raw nararanasan ni Gabbi ang hirap ng pagbibiyahe sakay ng jeep na walang aircon, masikip at nakikipagsiksikan sa ibang pasahero. Para sa nagkomento, mas mabigat ang karanasan ng mga ordinaryong manggagawang kailangang magtiis sa ganitong sitwasyon araw-araw.

May isa namang diretsahang nagbigay ng punto na kung may sariling kotse ang isang tao at mag-isang nagmamaneho, bahagi rin ito ng problema sa trapiko. Sinang-ayunan ito ng ilang netizen, habang may pabirong nagsabing parang makiki-commute naman daw si Gabbi. May isa pang nagbigay ng papuri sa banat at sinabing, “may tama ka this time.”



Meron ding hindi kumbinsido sa naging saloobin ng aktres at nagsabing hindi naman bago ang traffic sa Pilipinas kaya para sa kanya, tila wala nang bago sa reklamong ito.

May nagbigay naman ng praktikal na suhestiyon ngayong ber months asahan na raw na mas dadami ang mga tao sa kalsada. Kung wala raw mahalagang pupuntahan, mas mabuting manatili na lamang sa bahay upang makaiwas sa dagsa ng mga sasakyan.



Eto ang post ng Kapuso aktres/host sa kanyang socmed:

“Imagine paying so much for toll fees, Skyway, gas, and everything else, only to be stuck in traffic for 2 HOURS. And it’s not even rush hour. How do I love you, Manila? HOW??? yun lang,” saad ni Gabbi sa kanyang post.