Advertisers

Advertisers

ERWIN TULFO: ISA PANG FOREIGN COMPANY, INTERESADONG MAGTAYO NG OIL REFINERY AT DEPOT SA PILIPINAS

0 17

Advertisers

ISA pang foreign company mula Belgium ang nagpahayag ng interes na magtayo ng oil refinery at oil depot sa Pilipinas, kasunod ng naunang panukala ng Abu Dhabi National Oil Company (ADNOC) mula sa United Arab Emirates (UAE).

Sa isang liham na ipinadala kay Senate Committee on Energy Chairman Senador Erwin Tulfo ng Brightside Industries Group, LLC, isang kompanya mula Belgium na interesadong magtayo din ng oil refinery at depot sa Pilipinas na kahalintulad ng proposal ng Abu Dhabi National Oil Company (ADNOC) ng United Arab Emirates.

Ayon kay Tulfo, “mas maganda na mas maraming kompanya ang maglagay ng oil depot at refinery sa ating bansa kasi nakatitiyak tayo na hindi na tayo mauubusan ng suplay kung sakaling magkakagulo muli sa Middle East.”



Gayunman, iginiit niyang kailangang makipag-ugnayan muna ang mga dayuhang kompanya sa Department of Energy (DOE) para sa pormal na negosasyon at kasunduan.

“Pero ang Department of Energy (DOE) natin ang dapat na kausapin nila para sa pormal na negosasyon at kasunduan,” ani Tulfo.



Sa nasabing liham sinabi ng Brightside kay Tulfo na walang ilalabas na pera ang Pilipinas para sa pagpapatayo ng nasabing imbakan ng langis.

“I think very willing ang Belgian firm na ito na makipagkasundo agad sa DOE,” wika pa ng senador.



Sinabi rin niyang kailangang suriin muna ni DOE Secretary Sharon Garin ang mga kondisyon at terms ng kompanya bago pumasok sa anumang kasunduan.

“Pero siyempre kailangang alamin din ni DOE Sec. Sharon Garin kung ano terms ng Brightside since no money out ang gobyerno natin dito,” aniya.

Dagdag pa ni Tulfo, tulad ng panukala ng ADNOC, posibleng gamitin din ng Brightside ang Pilipinas bilang imbakan ng langis na maaari nitong ibenta sa iba pang bansa sa Asya.