Advertisers

Advertisers

2 sugatan, 5 inaresto sa girian ng raliyista, pulis sa Maynila

0 15

Advertisers

mula Maynila patungong Pasay City kasabay ng pagsisimula ng ASEAN Summit ngayong Linggo, Nobyembre 15.

Sa ulat, sumiklab ang tensyon sa pagitan ng mga raliyista at pulis sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.

Ayon sa isa sa mga sugatan, hinampas siya ng riot shield sa ulo ng pulis.



Nagsimula ang gulo nang harangin ng mga pulis ang mga nagpoprotesta na makarating sa summit venue sa Pasay City.

Samantala, sinabi naman ni Manila Police District chief legal officer Police Captain Felino Nabato na limang indibidwal ang inaresto sa pagsisimula ng gulo at pagsasagawa ng kilos-protesta sa itinalagang freedom park.



Matatandaan na sinabi ng Philippine National Police na ang mga nagpoprotesta ay maaari lamang magkasa ng mga aktibidad sa mga freedom park.

Kinondena naman ng Kilusang Mayo Uno ang pag-aresto na tinawag nito bilang illegal.



Ayon pa sa mga ito, naglagay umano ng mga pako ang mga pulis sa trak na gagamitin sanang stage ng rally sa Philippine International Convention Center (PICC), venue ng 49th ASEAN Summit.

Plano ng ilang grupo na magmartsa patungong CCP Complex kung nasaan ang PICC at sinigurong magdaraos sila ng mapayapang rally sa lugar.