Advertisers

Advertisers

Cayetano: Konkretong aksyon dapat, hindi puro debate

0 15

Advertisers

Pinaalalahanan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Sabado ang mga kapwa pinuno ng bansa na dapat ay nauuwi sa isang konkretong solusyon ang bawat debate.

“‘Pag nag-usap tayo, agree tayo sa problema – ang mahal ng kuryente, pamasahe, inflation pataas, walang trabaho dito, mga may sakit,” wika ni Cayetano sa isang Facebook livestream nitong November 14.



“Yes, we know the problems. But can we articulate a consensus sa solutions?… Hindi lang tinira kung saan masama (dishonesty, corruption), pero anong ipapalit natin,” dagdag niya.

Ipinahayag ito ni Cayetano ilang araw bago ang debate sa plenaryo ng Senado hinggil sa panukalang 2027 national budget sa gitna ng mga alitang pampulitika, pananalasa ng Super El Niño, at lumalalang problema sa ekonomiya.



Diin ng Minority Leader, kung walang mapagkasunduang kahit isang konkretong hakbang para tugunan ang mga problema ng bansa, “it will be just politicians talking during the budget hearing.”

“I don’t expect that a good budget will solve all of our problems. But it’s a start,” he added.



“Sa agriculture, what’s the one thing we can do para mabuhay ang Philippine agriculture? Sa manufacturing, what’s the one thing we can do para mabuhay ang manufacturing sa Pilipinas? [If] it’s cheaper electricity, o sige, how do we do that?” wika niya.

Tinanong din ni Cayetano kung paano mapapaganda ang serbisyong medikal sa bansa lalo na para sa mahihirap na may sakit.

“What’s the one thing we can do sa health para hindi na tayo namamalimos parati ‘pag merong may sakit, para y’ung mga mahihirap hindi takot na pumunta sa ospital?” aniya.

Sa kakulangan naman ng trabaho, sinabi ni Cayetano na “small businesses is the key.” Mungkahi niya, ang “one thing” na puwedeng gawin ng gobyerno ay tiyaking may access sa puhunan ang maliliit na negosyo para makapagpatuloy sila at lumago.

Sa Super El Niño naman, nanawagan siya ng sabayang pagkilos ng mga ahensya ng gobyerno sa ilalim ng iisang plano. Aniya, bagama’t may paghahandang ginagawa ang ilang ahensya, “as a nation’s effort” ay kulang pa rin.

Dii ni Cayetano, dapat patunayan ng lahat ng pulitiko na totoo ang pagmamahal nila sa mga kapwa Pilipino sa pamamagitan ng paghahanap ng mga konkretong hakbang na magpapabuti sa kanilang kalagayan.

“If you ask any politician now, they will say what they’re doing is for the country, whether to impeach or not to impeach, to continue or not to continue the flood control investigations, to file or not to file cases, anong stand sa budget,” aniya.

Hinimok niya ang mga lider sa gobyerno at mga komunidad ng pananampalataya na maging “adults in the room” at magbigay ng malinaw na direksyon at kapanatagan sa gitna ng kalituhan.

“We need to have fathers in cities and in our country… We need leaders na may spirit ng pagka-tatay. Bakit po? Because there’s a lot of confusion,” sabi niya.

Nanawagan din si Cayetano sa lahat ng mga Pilipino na isabuhay ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa, sa salita at gawa.

“Remember guys, kailangang isabuhay natin ang ating paniniwala,” aniya.

“Kahit anong mangyari, isa lang bansa natin. Kahit anong sabihin natin, tayong mahigit 110 million Filipinos ay magkakapatid, iisang pamilya. ‘Pag may hindi magkasundo sa pamilya, pamilya pa rin, Pilipino pa rin tayo,” dagdag niya.