Advertisers

Advertisers

POLICE INTEL TODAS SA ‘MISENCOUNTER’

0 19

Advertisers

ISANG police intelligence agent ang namatay sanhi diumano ng “misencounter” o engkwentro sa mga kapwa pulis sa Barangay Baning sa Sapad, Lanao del Norte noong Biyernes, November 13.
Nasawi sa insidente si Corporal Mark Freddie Dar Gliam, miyembro ng Regional Intelligence Unit ng Police Regional Office 10. Pansamantalang hindi muna kinilala ng mga kinauukulan ang kanyang kasamang nasu-gatan sa insidente na ngayo’y ginagamot sa isang hospital.
Unang naiulat na sila ay biktima ng ambush ngunit nalaman din, ayon sa imbestigasyon ng local executives at mga opisyal ng Sapad Municipal Police Station, na naka-engkwentro nila ang mga kapwa pulis na kabilang sa isang police unit din sa Region 10 dahil sa kakulangan ng koordinasyon ng magkabilang pa-nig.
Ayon sa ulat, nakaengkwentro nila Gliam ang kapwa mga pulis na miyembro ng Regional Mobile Force Battalion-10 na sakop din ng PRO 10.
May intelligence mission diumano si Gliam at kanyang kasama nang makaengkwentro ang mga tropa ng RMFB 10 sa isang lugar sa Barangay Baning. Posible diumanong napagkamalan silang mga masasamang-loob ng tropa ng RMFB 10 nang makitang may mga dala silang baril at nakasuot ng civilian attire.
Dahil sa kanilang mga tinamong tama ng bala, lumihis ang kanilang sasakyang kulay yellow na Ford Fiesta at lumagpak ng patagilid sa malalim na flood canal sa gilid ng highway.