Advertisers

Advertisers

BAHAY ALIWAN SA ANTIPOLO, FRONT UMANO NG PROSTITUSYON ; RIZAL PNP AT NBI, KILOS

0 29

Advertisers

PATULOY na tumataas ang kaso ng prostitusyon sa ating bansa.

Karamihan sa mga biktima ay mga menor de edad na pinapasok sa mga KTV bar o kaya sa mga prostitution den.

Kahirapan ang pangunahing dahilan ng mga napapasok sa prostitusyon.



Sa una ay labag sa kanilang kalooban ang pagbebenta ng sariwang laman, subalit sa katagalan, nakasanayan na nila ito at unti-unti nang natatanggap.

Kalimitan ay mga KTV Bar at cybersex den na ginagamit ang mga menor de edad bilang solo performers at GRO.



Mayroon namang mga kaso ng mga babaeng ibinabahay o itinitira sa isang casa.

Ang siste, tumatawag ang mga parokyano para kumuha ng babae.



Nagkakaroon ng sabwatan sa pagitan ng casa, KTV Bar at Hotel kaya naman nagiging mas madali ang pagpasok ng mga inilalakong kababaihan sa kanilang establisyemento.

Sa kabila ng pagbebenta ng sariwang laman ng mga kawawang biktima, barya-barya lamang ang kanilang natatanggap.

Kalimitan ay napupunta sa mga bugaw at may-ari ng bahay aliwan ang kanilang kinikita.

Hindi lamang sa mga KTV bar o sa mga Hotel nauuso ang prostitusyon.

Mayroong mga kaso ng prostitusyon kung saan lantaran ang pagbebenta ng sariwang laman.

Isang sumbong ang natanggap ng BALYADOR mula sa isang tipster.

Isinumbong niya ang hayagang pagsasayaw umano ng walang saplot ang katawan at paglalako ng panandaliang aliw ng isang KTV Bar Antipolo, Rizal.

Mabilis umanong makakakuha ang sinumang naghahanap ng panandaliang aliw dahil sa estilo ng umano’y mga bugaw na alyas Eugene at Garner.

Ang paraan ng kanilang paglalako ng panandaliang aliw, garapalan. Show-up pinakikita sa harap ng mga kustomer ang mga GROs, models at Solo Performers saka inaalok ang “quickie sex” if the price is right.

Kapag kumagat sa kanilang patibong, sila na mismo ang magdadala sa kanilang kliyente sa VIP room o sa isang motel malapit sa kanilang pwesto.

Ang prostitusyon ay isa sa mga problema ng bansa. Habang patuloy ang kahirapan, patuloy na tataas ang kaso ng prostitusyon.

Patuloy na dadami ang bilang ng mga nagiging biktima hanggat kino-kunsinti ito ng mga otoridad (NBI at PNP maging ng LGUs).

Ayon sa reklamo hayagan umano ang pagpapalabas ng mga malaswang panoorin at paglalako ng panandaliang-aliw o quickie sex ng mga guest relation officers (GROs) at bold dancer na nagtatrabaho umano sa bahay aliwan na Forli na matatagpuan sa kahabaan ng Marcos Highway, Mayamot, Antopolo, Rizal.

Anila, walang ginawang kaukulang aksiyon hingil sa pambababoy sa mga kababaihan ang mga otoridad at ang tanggapan ni Antipolo Mayor Casimiro “Jun” Ynares.

Sa kabila umano ng reklamo ng ilang residente, laban sa nasabing bahay-aliwan na front umano ng prostitusyon, ay walang ginagawang kaukulang aksyon ang Antipolo Chief of Police PLtCol Mark Henry Garcia, Rizal Provincial Director PCol Eleazar Barber at
National Bureau of Investigation (NBI) Rizal District Office (RIZDO) Chief, Atty. Ely Tolentino sa kanilang reklamo.

Ayon sa reklamo pagsapit ng alas dose (12:00) ng gabi garapalan na ang pagsasayaw ng walang saplot ang katawan ng nabanggit na bahay aliwan kung saan ang mga kababaihan ay hayagang nagsasayaw sa harap ng mga customer na umi-erya sa mga teybol habang pinahihimas umano ang kanilang masisilang katawan.

Garapalan din na inilalako ng mga nabanggit na bugaw ang kanilang mga GRO’s na makikipag-sex kapalit ng halagang napagkasunduan sa loob ng mga VIP rooms namay padlock.

Sinabi ng mga nagrereklamong residente, na hinahayaan umano ni Mayor Ynares ang operasyon ng nasabing bahay aliwan na siyang ugat ng pagkalat ng iba’t ibang uri ng sakit tulad ng Sexually transmitted diseases (STD) at venereal diseases.

PAGING – National Bureau of Investigation – Anti Human Trafficking Division (NBI AHTRAD) Chief, ATTY JANET FRANCISCO at Criminal Investigation and Detection Group Women and Children Complaint Unit (CIDG-WCCU) Chief, PCOL CRISTINE TABDI

May kasunod pa!

***

Suhestiyon, rekalmo at reaksyon tumawag sa (Smart) 09397177977 (Globe) 09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com