Advertisers

Advertisers

DRUG QUEEN AT VLOGGER “PASOK” SINA GOV. REMULLA/COL. RED SA CAVITE VICE DEN?

0 12

Advertisers

Ang inirereklamong sugalan at shabu tiangge nina alyas Jessica at alyas Jojo sa Brgy. Lallana, Trece Martires City, Cavite.

DAGSA ang mga nagrereklamo laban sa pasugalan at shabu tiangge sa Brgy. Lallana, sa siyudad ni Trece Martires Mayor Gemma Buendia-Lubigan, ngunit kataka-takang walang hakbang laban dito sina Cavite Acting Provincial Dir. Col. Ariel Red at Police Chief Lt. Col. Dennis Villanueva.



Nanawagan ang grupo ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) kina PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. at Region 4A Acting Dir. BGen. Dominic Baccay upang maipa-raid ang naturang vice den dahil sa di matinag ang mga pasugalan at pagbebenta ng shabu ng maintainner nitong si alyas Jessica at ang kalaguyong vlogger na si alyas Jojo.

Kasosyo din ni alyas Jessica si alyas Jojo sa lahat nitong pergalan /shabuhan sa Cavite, Bulacan at iba pang panig ng Region 3, kayat andap sa dalawa sina Col. Red, LtCol. Villanueva at Trece Martires Mayor Gemma Buendia-Lubigan.



Ayon sa sumbong na idinulog sa SIKRETA, ay 24/7 ang sugal na color game, drop ball at iba pang bawal na table at card game sa Brgy. Lallana. Dinudumog ito hindi lamang ng mga magsusugal at drug addict ng Trece Martires City, kundi maging ng mga lulong sa bisyong nagmumula sa mga kanugnog na bayan ng Tanza, Indang, Amadeo, Gen. Trias hanggang sa Metro Manila.

Shabu ang “secret formula” kung bakit dinadayo ang vice den nina alyas Jojo at alyas Jessica na kilalang high value target ng PNP War on Drugs. Habang malakas ang sugal ay parang candy na binebenta sa naturang vice den ang tingi-tingi o maging malakihang kantidad ng shabu na nanggagaling pa sa Pasay City at sa mga kontak sa Bureau of Customs (BOC).



Sa dakong gabi ay may nakahimpil na mobile patrol car sa harapan ng naturang sugalan/shabuhan kaya naman kampante ang mga ilegalista na hindi sila masasakote ng mga pulis ni LtCol. Villanueva.

Ilang beses nang nagtangkang iparating ng mga residente sa Cavite kasama ang mga miyembro ng MKKB kay Col. Red hinggil sa problema sa nasabing sugalan/shabuhan ngunit ayon sa isang babaeng police official ay abala ang kanilang PD sa ginaganap na conference.

Ipinangangalandakan nina alyas Jessica at alyas Jojo na “pasok” sa kanilang listahanan ang mga tanggapan nina PNP Region 4A Acting Dir. BGen. Dominic Baccay, Col. Red, Cavite Governor Gabriel “Abeng” Remulla at Mayor Lubigan?

Kaya’t bantulot at nangangamba ang mga residente na mawawalan ng saysay ang kanilang sumbong laban sa kawalang aksyon ni Brgy. Lallana Chairwoman Cecilia Decillo sa perwisyong sugalan at shabuhan nina alyas Jessica at alyas Jojo. May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144