Advertisers

Advertisers

Ama ng napaslang na nursing stude pumanaw pagkalibing ng anak, sobrang nalungkot

0 25

Advertisers

PUMANAW ang ama ng napaslang na estudyante ng nursing na si Altheia Maru Gabayno nitong Martes ng madaling araw, dalawang araw matapos ang libing ng anak, ayon sa isang kamag-anak.
Isinugod sa Oriental Mindoro Southern District Hospital sa Roxas si Roden Gabayno, 47 anyos, nang makaranas ng hirap sa paghinga habang natutulog noong mga unang oras ng Nobyembre 17, ayon sa kanyang pinsan na si Toto Gabayno.
Sinubukan siyang buhayin ng mga doktor, ngunit idineklarang patay na ito 4:00 ng madaling araw.
Si Roden ay isang barangay kagawad sa Barangay Labonan, Bongabong.
Sinabi ni Toto na hindi umiyak si Roden sa burol ng kanyang anak na babae at ipinakita lamang ang kanyang kalungkutan nang ili-bing si Altheia noong Sabado.
Naalala rin niya na sinabi ni Roden sa kanyang asawa noong gabi bago siya namatay na hindi na niya matiis ang sakit.
“Tapos ‘yun po, parang nanginginig ‘yung katawan. Tapos noong madaling araw nang matulog, nagulat na lang sila noong ginising si Roden, wala na po siya,” wika ni Toto.
Si Altheia, 20, ay natagpuang patay sa isang madamong at liblib na lugar sa Barangay Sapul, Calapan City noong mga unang oras ng Nobyembre 7. Nagtamo siya ng maraming saksak.
Ang 26-taon gulang na suspek, na sinasabing dating kasintahan ni Altheia, ay sumuko sa mga awtoridad at kinasuhan ng pagpatay.