Advertisers

Advertisers

3 TODAS SA DRUG BUST!

0 28

Advertisers

TATLO ang patay at isa ang sugatan sa buy bust operation ng mga awtoridad sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kungsaan nasamsam ang shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon sa Barangay Tubig Mampaliam, Bongao, Tawi-Tawi, Nob-yembre 15, 2026.
Alas-4:50 nghapon nang isagawa ng pinagsamang pwersa mula sa PDEA BARMM Tawi-Tawi Provincial Office, 4th Marine Rifle Battalion, Tawi-Tawi Police Provincial Office, Bongao Municipal Police Station, at Tawi-Tawi Police Intelligence Unit (PIT-RIU9) ang operasyon. Dito ay nakumpiska ang dalawang pakete ng tsaa (na karaniwang ginagamit sa pagpuslit ng droga) na naglalaman ng shabu. Ang mga ito ay tumitimbang ng humigit-kumulang 2,000 gramo na nagkakahalaga ng P13,600,000 sa merkado.
Kabilang sa iba pang mga ebidensyang narekober ang perang ginamit sa buy-bust, isang 9mm na pistola, 2 identification cards, at isang bangkang kahoy na may makina.
Sa kasagsagan ng transaksyon ng droga, napansin ng mga target na kinilalang sina alyas “Ungod”, isang Malaysian; alyas “Amil”, at ang kanilang mga kasamahan na sina alyas “Alma” at alyas “Nurhaipa” ang pagdating ng mga awtoridad. Nagpaputok ang mga ito habang sinusubukang tumakas sakay ng isang bangkang de-makina. Nagkaroon ng palitan ng putok. Nagresulta sa pagkasawi ng tatlo at pagkasugat ng isa sa mga target.
Ang mga nasawi ay sina alyas Ungod, Amil, at Alma. Si Nurhaipa aay kasalukuyang ginagamot sa ospital
Ang operasyon ay naging matagumpay dahil sa kooperasyon, koordinasyon, at nagkakaisang pagsisikap ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas at mga yunit ng militar na lumahok dito. (Alex Mendoza/Mark Obleada)