Advertisers
WALA pang katiyakan kung lalagdaan ng Pilipinas at Estados Unidos ang iminungkahing Pax Silica agreement sa nakatakdang pagbisita ni US President Donald Trump sa bansa nitong Martes, November 17.
Sa press briefing ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Ma. Theresa Lazaro, sinabi niyang nakatuon muna ang atensyon ng delegasyon ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 49th ASEAN Summit at sa mga usaping pangrehiyon bago ang anumang bilateral discussions kasama ang Amerika.
Nauna nang sinabi ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton na walang magiging anunsyo hinggil sa nasabing proyekto sa kasagsagan ng summit ngayong buwan, at magdedesisyon lamang ang dalawang panig sa tamang panahon.
Klinaro naman ni Lazaro na hindi tinalakay sa ASEAN Summit ang naging marahas na dispersal sa mga nagpoprotesta dahil mga isyung pangrehiyon lamang at hindi mga lokal na usapin ang tinututukan sa pagpupulong.