Advertisers
NAGPAHAYAG ng kahandaan ang Philippine National Police (PNP) na tumulong sa posibleng extradition o paglipat ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy sa Estados Unidos.
Ayon kay PBGen. Allen Rae Co, hepe ng Public Information Office (PIO) ng PNP, na sakali mang may kautusan mula sa korte na tulungan na mailipat at ma-secure ang pagtungo ni Quiboloy sa airport ay gagawin nila ito.
Nabatid na nag-isyu ang Makati Regional Trial Court ng extradition arrest warrant at hold-departure para kay Quiboloy at sa dalawa nitong kapwa akusado.
Ito ay kaugnay ng reklamong International human trafficking, sex trafficking, conspiracy, at bulk cash smuggling.
Una nang inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na handa rin silang tumulong sakaling tuluyang mailipat sa US si Quiboloy.