Advertisers

Advertisers

P159m floating cocaine nalambat ng mga mangingisda sa Cagayan

0 38

Advertisers

TWENTY SIX pakete ng hinihinalang cocaine na nagkakahalaga ng P159 milyon ang nalambat ng apat na mangingisda sa karagatan ng Aparri, Cagayan.

Ayon kay Regional Director Gil Cesario Castro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA Region 02), nasa 30.15 kilo ang kabuuang timbang ng mga pakete na naglalaman ng puting pulbos at nakabalot sa transparent vacuum-sealed plastic na posibleng may kaugnayan sa international drug trafficking ang narekober.

Maaaring may mga sindikato umanong nasa likod ng nasabing drug shipment na idinaan sa karagatan, bagama’t maaaring hindi direktang sa Cagayan ang bagsakan ng kontrabando, posibleng napadpad lamang ito sa baybayin ng lalawigan o sadyang iniligaw upang makaiwas sa mga awtoridad, pahayag ni Castro.



Sinabi pa ni Castro na kailangang suriin ang mga nakuhang substance upang makumpirma kung cocaine ang mga ito.

Unang naiulat na nakita ng mga mangingisda ang mga pakete habang nangingisda malapit sa mga isla ng Fuga at Camiguin.
Pinuri ni Castro ang apat na mangingisda sa kanilang katapatan at pakikipagtulungan sa mga awtoridad. (REY VELASCO)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">