Advertisers
SINABI ni US President Donald Trump nitong Miyerkules na siya ay “hindi nababahala” na ang mga isyu sa West Philippine Sea ay maaaring mag-udyok sa paggamit ng Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Maynila at Washington.
Idinagdag ni Trump na ang alyansang militar na ito ay kabilang sa “pinakamatagal at pinakamahalaga” para sa kanyang bansa.
Paulit-ulit na inilarawan ng mga opisyal ng US ang mga pangako sa depensa ng Washington bilang “matibay na matibay” (ironclad), at nagbabala laban sa mga hakbang sa South China Sea na tinawag nilang mapanganib at nakapagpapawalang-tatag.
Naniniwala si Trump na natutugunan naman ang naturang problema.
“Hindi ako nababahala tungkol diyan. Aayusin din iyan,” pahayag ni Trump sa mga mamamahayag sa gilid ng kanyang bilateral na pagpupulong kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Trump. (Vanz Fernandez)