Advertisers

Advertisers

NO. 6 MOST WANTED SA ANTIPOLO, HULI SA 4 KASONG LASCIVIOUSNESS AT RAPE!

0 16

Advertisers

ANTIPOLO CITY, RIZAL — Matagumpay na nahuli ng mga awtoridad ang isang matagal nang hinahanap na pinaka-wanted person sa lungsod ng Antipolo noong Nobyembre 18, bandang alas-11:25 ng umaga, sa harap ng New Antipolo Hall of Justice sa Barangay Inarawan.

Ang suspek na kilala sa pangalang Jeric ay nakalista bilang Regional Level at No. 6 City Level Most Wanted Person sa Antipolo. Isinagawa ang operasyon ng Tracker Team ng Antipolo City Police Station, kasama ang 404th A MC RMFB4A at Rizal Provincial Mobile Force Company.

Isang kaso ng Acts of Lasciviousness — Bailable ng P36,000, tatlong kaso ng Acts of Lasciviousness na may kabuohang piyansa na P108,000.



Kasong rape na walang kalakip na piyansa at hindi pinahihintulutan para makalaya.

Ayon sa ulat ng Antipolo Component City Police, inilabas Ang mga warrant of arrest laban sa suspek ng Regional Trial Court ng Cabuyao City Laguna.



Kasalukuyang nasa detention cell ng pulisya Ang nadakip na akusado. (Edwin Moreno)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">