Advertisers

Advertisers

MAYOR, HEPE, SINISI SA SHABU DEN SA TRECE!

0 15

Advertisers

Mayor Gemma Buendia- Lubigan at Police Chief Lt. Col. Dennis Villanueva

MARAMI na ang gumon sa droga at patuloy na dadami pa ang bilang ng malululong sa masamang bisyong ito kung mananatiling “taingang kawali” sina Mayor Gemma Buendia- Lubigan at Police Chief Lt. Col. Dennis Villanueva laban sa operasyon ng sugal na front ng shabu tiangge sa Trece Martires City, Cavite.



Ayon sa mga apektadong residente, nagkakanlong sa ini- isyung Permit to Operate Mini Carnival ng tanggapan ng Trece Martires City Local Government ang shabu tiangge na pinapatakbo ng isang alyas Jessica sa Brgy. Lallana.

Maraming beses nang ipinarating ng mga residente ng naturang siyudad kay Cavite PNP Acting Provincial Dir. Col. Ariel Red ang kanilang pagtutol sa operasyon ng mga sugalan at shabu tiangge sa karnabal na pinatatakbo ng isang alyas Jessica ngunit walang aksyon laban dito ang naturang police top official.



Ayon sa kanyang mga staff ay abala ang kanilang PD sa mga ginaganap na conference kaya hindi nito natutukan ang mga dumadagsang reklamo hinggil sa talamak na bentahan ng shabu sa sugalang halos 24/7 na nag-ooperate sa sentro ng Brgy. Lallana, Trece Martires City.

Duda ang mga residente na baka namamantikaan din ang nguso ni Brgy. Lallana Chairwoman Cecilia Decillo mula sa sugal at shabu ni alyas Jessica na tulad nina Col. Red at Lt. Col. Villanueva ay walang kibo upang masawata ang perwisyong sugalan at shabuhan sa kanilang komunidad?



Sa kanyang unang termino bilang alkalde noong 2019 ay ipinangako ni Mayor Lubigan na handa siyang pagsilbihan ang siyudad ng Trece Martires na siyang kabisera ng lalawigan ng Cavite.

Nakatuon din ang pananaw ni Mayor Lubigan, biyuda ng yumaong Vice-Mayor Alex Lubigan sa Trece Martires City bilang isang pamayanang punong-puno ng pag-asa na angkop na tawagin bilang “City of Hope”.

Ayon sa mayora, naniniwala itong magiging makatotohanan ang kanyang pananaw sa pamamagitan ng responsable, malinaw at malinis na paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.

Ngunit magiging tampulan siya ng sisi ng kanyang mga mamamayan at malamang na mabigo sa kanyang bisyon, kung di nito maipasawata kay Lt. Col. Villanueva ang operasyon ng mga sugalan at shabu tiangge ng isang alyas Jessica sa naturang siyudad. May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144