Advertisers

Advertisers

Ethel Booba, nagbago ang isip tungkol sa kasal

0 64

Advertisers

Ni Anne Venancio

Posibleng lumakad na sa altar si comedienne Ethel Booba sa susunod na taon matapos amining unti-unti nang nagbabago ang pananaw niya tungkol sa pagpapakasal sa partner na si Jessie Salazar.

Sa panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda,” ibinahagi ni Ethel na natatakot siyang magpakasal dahil hindi naging garantiya ang kasal sa pananatiling buo ng pamilya ng kanyang mga magulang.



Matagal na umano nilang napag-uusapan ni Jessie ang pagpapakasal, ngunit madalas niya itong iniiwasan.

Nagbago lamang ang kanyang isip nang ipakita ng anak na si Michaela ang isang puting gown na nais nitong isuot sa kanilang kasal.



Pinuri rin ni Ethel ang partner dahil sa pagiging supportive nito sa kanyang negosyo at pagtulong sa pamamahala ng kanyang social media accounts.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">