Advertisers
MAS madaling hanapin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang pera kesa mag-inang Loren Legarda at Leandro Leviste.
Solar energy ang negosyo ng mag-ina, pero tila ayaw maarawan ng imbestigasyon.
Narito ang mga mga natuklasan at alegasyon:
– P28.07 billion, kabuuang perang pumasok sa mga account ni Leviste.
– P29.82 billion, kabuuang perang lumabas sa kanyang mga account.
– P57.89 billion, pinagsamang halaga ng historical financial transactions.
– P14.99 billion, halaga ng 1,044 tsekeng inisyu ng kanyang mga solar companies para mismo kay Leviste.
– P10.4 billion, tinatayang hindi nabayarang obligasyon ng kanyang mga kumpanya sa gobyerno.
– P447 million, direktang transfers mula sa kanyang mga kumpanya papunta sa kanyang personal accounts.
– 26 solar energy service contracts, kinansela ng DOE dahil sa umano’y hindi pagtupad sa contractual obligations.
– 35 corporations, itinatag ni Leviste na may magkakaparehong incorporators, kabilang ang mga kamag-anak, dating Senate staff at maging ang yaya ni Sen. Loren Legarda.
– 18 corporations, nakalista bilang incorporator ang mismong yaya ni Loren.
– Isang joint BDO account na nakapangalan kina Loren Legarda, Leandro Leviste at Lorenzo Leviste ang kasama sa freeze order.
– Umano’y paggamit ni Loren ng kanyang posisyon sa gobyerno upang makakuha ng congressional franchise ang negosyo ng kanyang anak.
– Alegasyon ni dating Manila Congressman Lito Atienza na inalok siya ni Legarda ng tulong para makakuha ng P10 million na government allocation kapalit ng suporta sa franchise.
– Umano’y sabwatan nina Legarda, Leviste at dating Energy Secretary Alfonso Cusi upang makorner ang mga oportunidad sa solar energy development sa bansa habang nahahadlangan ang ibang investors.
– Posibleng paghahalo ng personal at corporate funds, na iniimbestigahan kaugnay ng mga alegasyon ng graft, plunder at money laundering.
– August 2, 2026, umalis ng bansa ang mag-ina, dalawang araw matapos ianunsyo ng Ombudsman ang imbestigasyon laban sa kanila. Hindi na sila bumalik hanggang ngayon.
– October 5, 2026, naglabas ng arrest warrant laban kay Leviste sa hiwalay na kasong may kaugnayan sa Public Service Act.
Inakusahan mismo ng Ombudsman ang mag-ina na nagtatago sa abroad. Ang kanilang kampo naman ay nagsasabing nagpapagamot lang si Loren.
Nasa Europe daw ang mag-ina. Kelan kaya sila uuwi para magpaliwanag sa bayan? 114 days na silang absent sa kanilang trabaho. Dapat tanggalin na sila sa puwesto. Mismo!
***
Umabot sa P434.85 milyon ang kabuuang cash deposits na pumasok bank accounts ni dating Energy Secretary Alfonso Cusi sa pamamagitan ng 243 magkakahiwalay na transaksyon mula 2016 hanggang 2022, ayon sa AMLC.
Batay sa resolusyon ng Court of Appeals (CA), kapansin-pansin ang paglobo ng deposits noong 2017, umabot sa P170.32m. Muling tumaas ang halaga year 2022, ang huling taon ni Cusi sa Department of Energy (DOE), umabot sa P195.25 milyon.
Kapansin-pansin din ang timing ng mga transaksyon dahil kasabay ito ng pagbibigay ng DOE ng maraming Solar Energy Service Contracts sa mga kumpanyang konektado kay Batangas Rep. Leandro Leviste.
Si Cusi ang dating DOE Secretary na lumagda at nag-apruba sa mga naturang kontrata. May mga pagkakataon ding pinagkalooban ng panibagong mga kontrata ang mga kumpanya ni Leviste kahit may kinukuwestiyon nang hindi pagtupad sa mga naunang obligasyon.
Dahil dito, iniutos ng CA noong Nobyembre 9 ang provisional freeze sa mga bank account, investments at properties ni Cusi matapos makita ang probable cause na maaaring konektado ang mga ito sa umano’y graft at plunder kaugnay ng mga solar contract.
Si Cusi ay isang political butterfly. Kung sino ang nasa puwesto doon sumasampa. Pero kay Marcos ‘di siya nakasakay.
Dapat bawiin ng pamahalaan ang kanyang yamang natamo nang makapasok sa gobierno. Mismo!