Advertisers
Ni Favatinni San
BONGGA ang pagbabalik syobis ni Kris Aquino. Ang pagiging online endorser sa social media ay kering keri as in fit for Krizzy as Quen of All Media.
Sa limang produkto na endorser ni Kris at ilan kasama si Bimby ay jackpot na siya sa laki ng talent fees niya but being a good taxpayer, malaki rin ang binabayad na buwis ni Kris at kasama rin kay Bimby.
May nakakita na inaalalayan siyang maglakad, umakyat e totoo naman. Hindi pa one hundred percent magaling si Kris.
She really grab the opportunity e siya talaga ang gusto ng may-ari ng kumpanya.
Oppps, inamin niya na gusto niyang magkaroon ng boyfriend na doktor para maalagaan siya. Feel niya ang pag-aalaga at mabilis siyang nakakarekober.
Hindi niya ipoinagkakaila na nakadalawang syota na doktor.
Kaiba si Kris magmahal, todo na ito (pahiram Ruffa Me Q.).
Abangan ntin, ang buhay at pag-ibig ni Kris.
ANAK NI KARLA ESTRADA, BILYONARYO ANG BAGONG BF
SAYANG ang pag-iibigan nina Robbie Jaworski at Magui Ford.
Knows natin si Robbie, anak ni Mikee Cojuangco at sports enthusiastis turned politician na si Dodut Jaworski.
In the news, hiwalay na ang dalawa dahil maraming nakakita kina Magui (anak ni Karla Estrada) at Jacob Ang, anak ng business magnate na si Ramon Ang.
May nagpatotoo na unang nakarekasyon ni Magui si Jacob… nagtampuhan e timing noong nasa PBBM colab si Robbie sa bahay ni Kuya pumutok na ang isyu na may bagong dyowa si Magui.
Haba ng hair ng dyunanak ni Karla Estrada na headline, “bilyonaryo” na ang bagong boyfriend ni Magui.
Hayyyy kalowkah ang mga gen-Z sa usaping pag-ibig.
Of course, umaasa ang close sa pamilyang Estrada at Jaworski na sila rin ang magkatuluyan sa huli.