Advertisers
Ni WALLY PERALTA
BILANG isang single mom ay hindi biro para kay Nathalie Hart ang perwisyong dulot ng pandemya sa buhay nila ng kanyang baby Penelope.
Kasabay halos ng paghihiwalay nila ng mister ay nasa heath crisis pa ang bansa at ang tanging inaasahan ni Nathallie ay ang kanyang showiz career para masuportahan ang anak. May mangilang-ngilan din siyang ginagawang TV shows and movies pero hindi sapat ito para sa pangangailangan nilang mag-ina sa pang araw-araw.
Palaban sa tunay na buhay si Nathalie kaya hindi niya hahayaan na pahinain siya ng pandemya, kailangan niyang gumawa ng paraan para sa anak.
Kaya naisip ni Nathalie na magbenta ng sarili niyang skin and beauty products.
“I made a lot of studies and with the help of certified chemists from Taiwan and Australia, we came up with all natural, plant-based products everyone can used, kahit mga bata, kasi they’re free of chemicals so no allergies or bad side effects at all,” say ni Nathalie.
At kahit bisi-bisihan sa negosyong itinatag ay panaka-nakang tumatanggap din siya ng showbiz offers tulad ng movie nila nina Ryza Cenon at Joseph Marco na “Kunwari Mahal Kita” under Viva Fims na si Nathalie naka-kontrata.
Sariling kayod talaga si Nathalie at mukhang no time for love ang beauty niya. Matagal-tagal na rin naman silang hiwalay ng dyowang foreigner, kumusta na kaya ang lovelife ni Nathalie, boring kaya?
Ani Nathalie, hindi naman naze-zero ang byuti niya sa guys na nagpaparamdam at maraming nagpapapansin pero diretsahan naman niyang sinasabi na hindi siya interesado sa mga kalalakihan ngayon dahil bisi-bisihan siya sa kanyang bagong negosyo at anak, as in sariling sikap na muna ang peg ni Nathalie.
***
HALOS sunud-sunod na BL o Boys Love series and movies ang ginagawa ni Jerome Ponce. Marami sa nakasusubaybay kay Jerome ay nakapupuna na tila nag-e-enjoy na ang young actor na kapwa niya lalake ang kalabtim at kahalikan.
Tuloy hindi maalis sa isipan ng mga ito na pagdudahan ang kanyang gender, as in paghinalaan na si Jerome ay isang gay.
Unang sumabak si Jerome sa isang BL story sa “A Soldiers’ Heart” na si Yves Flores ang kanyang ka-loveteam. Nasundan ito ng isang series na ipinalabas sa Youtube Channel ng Regal Entertainment together with Teejay Marquez, ang “Ben X Jim” at sa hindi inaasahang pagkakataon ay naging big hit ang BL story na ito at bukod pa rito ay nakakuha pa ng award sa Asian TAG Chicago ang serye nina Jerome at Teejay.
Ngayon naman ay mga producer ang interesadong kunin ang serbisyo ni Jerome na lumabas sa another BL project. Hindi kaya simula na ito na unti-unti na siyang nata-typecast sa gay roles? Sey naman ni Jerome, hindi naman siya natatakot dahil marami raw magagaling nating aktor ang lumalabas palagi ng gay roles pero hindi naman daw nata-typecast.
Sa isang tulad niya raw na baguhan palang sa industriya ay nais ni Jerome makagawa ng iba’t ibang klase ng roles.
At pagdating naman sa kanyang pagkalalake na unti-unti na ring pinagdududuhan, say ng young actor, “I’ve always known that you cannot please everyone. But although I may not be gay in real life, I always give my best sa characters na ginagampanan ko.”