Advertisers
SINIBAK sa puwesto ang hepe ng legal affairs division ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) sa Central Luzon.
Ito ay matapos magpositibo sa random drug test ang hepe na si Atty. Efren Garcia II.
Ayon kay PNP Chief, General Debold Sinas, ang pagsibak kay Garcia ay patunay na sakop ng intenal cleansing sa police organization ang mga uniformed personnel at civilian employees.
Inulit din ni Sinas na walang lugar sa PNP ang sinumang personnel na gumagamit ng iligal na droga.
Pebrero 24 nang sumailalim sa surprised drug test ang personnel ng IAS-Police Regional Office 3 bilang bahagi ng internal cleansing sa pulisya.
Sinabi ng PNP Chief na ipinag-utos na niya na isailalim si Garcia sa pre-charge investigation at summary dismissal proceedings para sa grave misconduct, isang administrative case na may maximum penalty na dismissal mula sa serbisyo.
(Mark Obleada/Gaynor Bonilla)