Advertisers

Advertisers

AstraZeneca COVID-19 vaccine darating ngayon

0 383

Advertisers

KINUMPIRMA nina Presidential Spokesman Harry Roque at Senador Christopher “Bong” Go na darating na sa Pilipinas ngayong Huwebes, Marso 4, ang mga bakuna ng AstraZeneca.
Sinabi ni Sen. Go, 487,200 doses ng bakuna ang darating sa Villamor Airbase sa Pasay City bandang 7:30 ng gabi.
Ayon sa senador, personal nilang sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bakuna.
Pahayag ni Sen. Go, ito ang mga bakuna na nakatakda sanang dumating sa bansa noong Marso 1 subalit naudlot dahil sa limitadong suplay.
“AstraZeneca’s expected time of arrival is based on the scheduled handover of vaccines. We will notify everyone, if and when there is a change of schedule,” pahayag naman ni Roque.
Matatandaan na nitong Pebrero 28, dumating na sa bansa ang 600,000 doses ng bakuna na gawa ng Sinovac.