Advertisers

Advertisers

Pfizer vaccine darating na, sunod ang Moderna

0 363

Advertisers

INAASAHANG darating na rin sa bansa sa mga susunod na linggo ang bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Pfizer ng Amerika.
Sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez sa Laging Handa Public Briefing, na may darating na mga bakuna mula sa Pfizer pero maaring ma-delay lamang.
Ang kawalan ng indemnity agreement ang dahilan ng pagkaantala ng mga bakuna ng Pfizer.
Tiniyak naman ni Romualdez na hindi naman nahuhuli ang Pilipinas sa pagkuha ng mga bakuna kontra COVID-19.
Samantala, sinabi rin ni Romualdez na inaasahang darating na rin sa Pilipinas sa katapusan ng Mayo o sa unang linggo ng Hunyo ang karagdagang 20 milyong bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Moderna.
Ayon kay Romualdez, natapos na ang agreement at pinag-uusapan na lamang ang suplay kung kailan mai-de-deliver sa Pilipinas.
Kalahati aniya sa mga bakuna ay mapupunta sa pribadong sektor habang ang kalahati ay para sa health workers.
Kumpiyansa si Romualdez na darating na sa Pilipinas ang mga bakuna mula sa Amerika sa kalagitnaan ng taong kasalukuyan.