Advertisers

Advertisers

Metro mayors nagkasundo sarado muna ang sinehan at arcades

0 242

Advertisers

NAGKAISA ang mga alkalde sa Metro Manila na ipagpaliban muna ang muling pagbubukas ng mga sinehan at arcade dahil sa tumataas na bilang ng covid cases.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos, sa naganap na pagpupulong ng mga Metro mayors nitong Sabado ay bumuo ng resolusyon na temporarily suspended muna ang pagbubukas ng mga sinehan at amusement center.
Paliwanag ni Abalos, pansamantala lamang umano ito habang hindi pa gumaganda ang sitwasyon ng covid cases.
Magugunitang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na pinapayagan ng magbalik operasyon ang mga sinehan na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Gayunman, maging ang mga mall operators ay pabor na huwag munang buksan ang mga sinehan. (Jonah Mallari/Josephine Patricio)