Advertisers

Advertisers

Mayor Oreta rumesbak narin sa Covid-19 sa Malabon City

0 288

Advertisers

HINDI nagpahuli ang Malabon City sa pangunguna ni Mayor Lenlen Oreta sa pag-roll-out ng bakuna laban sa Covid-19 sa health workers at frontliners sa lungsod.
Ginanap sa Ospital ng Malabon, nagdaos ng “ceremonial vaccination” ang alkalde kungsaan unang binakunahan si Dr. Mitzi Tanchoco ng nasabing ospital.
“Alam nating marami parin ang takot at nangangamba sa ngayon pero umaasa kami na sa pamamagitan nito, mas marami pang pamilya ang mahikayat na magpabakuna alang-alang sa kanilang mga mahal sa buhay,” pagdidiin ni Oreta.
Katuwang ang Department of Health-NCR sa pangunguna ni Dr. Corazon Flores, MPH, CESO IV, inihayag ng pinuno ng lungsod na hangarin nilang mapabakunahan ang higit-kumulang 70 porsyento ng kanilang populasyon.
Dumating din sa pagtitipon sina Congresswoman Jaye Lacson-Noel at Konsehal Enzo Oreta na tumulong din upang himukin ang Malabonians na magparehistro para sa bakuna.
“Magpalista na po sana tayo para po handa na tayo at masimulan na ang proseso, yung mga frontliner natin matagal nang nagpa-practice at handa nang gampanan ang mga tungkulin nila, hinihintay na lang po natin yung bakuna para sa lahat, pero tayo sa lungsod ng Malabon, handang-handa na,” paalala ni Oreta.