Advertisers

Advertisers

Para pagkakitaan? Luis at Jessy ikinasal na pero sa vlog muna ipalalabas

0 260

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

WALANG inilalabas na disclaimer sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa balitang lumabas na ikinasal na raw sila  last February 21 sa The Farm sa San Benito.

May kasama pang larawan nina Luis at Jessy ang lumabas na pagpapakasal nila pero medyo malabo lang ang kuha ng mukha ni Luis  at si Jessy naman ay nakayuko sa larawan at left side lang ng kanyang mukha ang makikita.



Ikinatuwa naman ng mga netizen ang pagpapakasal ng dalawa lalo`t  financially stable na si Luis at handa na itong maging isang padre de pamilya. Saka masuwerte si Jessy kay Luis.

May nagbiro naman na kaya raw hindi muna nag-post ang dalawa ng kanilang wedding ay ilalabas muna nila sa kanilang vlog. Pagtatanggol ng mga supporter nina Luis at Jessy na walang masama kung sa vlog muna nila gusto ilabas ang kanilang wedding coverage.



Matatandaang ang ina pa mismo ni Luis na si Congresswoman Vilma Santos ang kumuha ng larawan nang mag-propose si Luis kay Jessy. Matagal na kasi inaawitan ni Ate Vi si Luis na bigyan siya ng apo.

***



Billy at Coleen muntik nang magbenta ng kagamitan

Kinalakihan na ni Billy Crawford na lahat ng problema ay may solusyon. Ito ang itinuro sa kanya ng American father (only child siya at isang Filipina mom).

Ang problema nga lang daw, minsan matagal dumating ang solusyon, ‘yung tipong minsan ay nawawalan ka na ng pag-asa na nangyari  kay Billy nang magsara ang ABS-CBN.

Hindi niya inaasahan na hindi na mare-renew ang kontrata ng Kapamilya Network at that time pa ay bagong kasal sila ni Coleen Garcia.

Kaya nagplano na sila ni Coleen na umalis ng bansa at  ibenta na ang lahat ng kanilang ari-arian.

Nakatakda na silang umalis pero biglang may dumating na offer si Billy from Brightlight Production para mag-host ng Lunch Out  Loud (LOL) sa TV 5.

At sa March 13 naman ay magiging host din siya ng The Wall Philippines na prodyus ng Viva Entertainment at TV5.