Advertisers
By ARCHIE LIAO
May natatagong talento na gustong ipamalas ang magaling at award-winning actor na si John Arcilla ang pagkanta.
Happy naman siya dahil natupad ito dahil inilunsad na siya bilang recording artist ng Star Music.
Katunayan , kakaiba ang recall ng single niyang ang titulo ay may kasamang pagmumura.
Ayon sa beteranong aktor, napapanahon daw ang mensahe ng kanyang kanta na parang pagrerebelde sa nangyayari sa kasalukuyang nangyayari sa bansa.
“Alam n’yo naman siguro na somehow madalas akong mag-comment sa mga nangyayari sa paligid natin. Although environmentalist ako, nagko-comment din ako sa mga nangyayari sa ibang aspect ng society natin,” aniya.
“Ang daming nagagalit na tao sa nangyayari paligid natin. Sabi ko kailangan natin ng isang kanta na may catharsis, ‘yung mailabas ng tao ‘yung sama ng loob. Kasi hindi na tayo masyadong nakikinig sa isa’t isa, masyado na tayong maingay bilang isang bansa pero hindi tayo nagkakasundo. Parang kailangan natin ng isang release mabawasan man lang at sana makinig tayo sa isa’t isa. So more or less ‘yun ang nag-inspire sa akin baka kailangan kong gumawa ng kanta,” dugtong niya.
Nilinaw naman niya na hindi lang isyu ng korapsyon ang puwedeng tumbukin ng kanta.
Dahil may “p*nyeta” ang titulo ng kanyang kanta, noong una raw ay nagulumihanan siya. “Sa totoo lang natatakot ako. Sa paglabas nito, natatakot na ako sa universities, sa church, baka ang maging reputasyon ko eh ngayon lang ako maglalabas ng single, ‘yun pa parang nagmumura ako. Ang gusto ko maging niche kumbaga ay isang singer o isang actor na kumakanta na more on inspirational, not necessarily religious but inspirational. Kaysa sa parang mapunta ako doon sa ang reputasyon ko ay ‘yung kanta ko ay parang nagmumura,”bulalas niya.
Gayunpaman, sa paniniwala naman niya ay nag-evolve na ang kahulugan ng nasabing salita ng pagmumura.
“Actually magmula nang marinig naming ‘yung p*nyeta ay lumabnaw ang kanyang meaning. Hindi na siya ‘yung p*nyetang nakakatakot o p*nyetang ang sakit pakinggan. Kung hindi p*nyetang parang it’s just a quip, na parang nasabi mo kasi nainis ka, parang naging expression na lang siya na normal. At sabi ko siguro nga ganoon. Ako mismo nawiwindang sa idea na ‘yung salitang p*nyeta ay parang balewala na lang, baka ako na lang ang very sensitive about that kaya ini-let go ko na ‘yung reservation ko tungkol sa salitang p*nyeta,” paliwanag niya.