Advertisers
By DOMINIC REA
One year after or one year later? Ewan huh! Pero ang siste ay nakakalokang nakakatuwa! Kasi ang tsika ay luma-lovelife daw ngayon itong si Karla Estrada. Mukhang nilapitan na naman daw ng tukso ang nananahimik na puso ni Karla.
Mukhang hindi na naman papipigil ang Ina ni Daniel Padilla this time dahil mukhang nahuhulog na naman daw ang loob ni Karla sa isang lalakeng mas bata na naman keysa sa kanya. Bagets daw ang lalakeng nagpapatibok ng kanyang puso na nakilala niya lang daw sa kanyang kinagigiliwang laro ngayon ang pickleball eme! Halatang buhay na buhay na naman ang katawang lupa ni Karla kung totoo man ang tsismis na ito noh!
Kaya sabi nga nila, kapag inggit, pikit! Pero sabi naman ng ilang nakakakilala kay Karla, sana huwag na niyang seryosohin pa ang lovelife to the highest level dahil maharbatan na naman daw ito ng sasakyan at lumalabas daw na nagiging sugar mommy na ang kanyang dating dahil unang-una ay marami na rin itong pera ngayon! Well, wala naman tayong magagawa dahil pribadong buhay niya naman yan at sino ba naman tayo para pigilan siya sa mga bagay-bagay na magpapasaya sa kanya, hindi vah!
LELQUIN KASADO NA!
Mukhang kasado na raw ang isang proyektong pagtatambalan nina Lella Ford at Joaquin Arce sa bakuran ng Kapamilya. Mukhang pasok na sa madlang pipol ang tambalan ng dalawa na kahit noong nasa loob pa sila ng PBB ay kinahumalingan na ng kanilang fans and followers hanggang ngayon. May handog namang kilig ang dalawa on-screen kaya push na push naraw ang kanilang first project together sa Kapamilya.
Ano kaya ang magiging titulo ng kanilang first project together? Dapat GEN Z ang tema para naman pasok sa banga! Pero parehong strong ang personality ng dalawa kaya dapat pag-aralan talaga ang tema ng kanilang magiging project noh! Parehong guwapo at maganda kaya dapat bongga! Tama lang na bigyan na rin sila ng break dahil umaariba na ngayon sina Caprice at Heath sa kanilang proyekto sa bakuran ng Kapuso!