Advertisers
Ni WALLY PERALTA
NAGSIMULA ang magandang pagtitinginan sa pagitan nina Arjo Atayde at Maine Mendoza nang magsama ang dalawa sa pelikulang pang- Metro Manila Film Festival 2018, ang “Jack En Popoy: The Puliscredibles,” na producers ang mga bida rin na sina Bossing Vic Sotto at Coco Martin.
Hindi naging ganun kadali para sa relasyong Maine at Arjo na matanggap ng publiko lalo pa noong mga panahon na iyon ay kainitan ng ADub o ang loveteam nina Alden Richards at Maine.
Makalipas ang mahigit dalawang taon ay patuloy pa ang pagmamahalan nina Maine at Arjo hanggang dumating na nga sa naging guest na si Arjo sa programa nina Bossing Vic at Maine, ang “Daddy’s Girl.”
May basbas ni Bossing Vic ang guesting ni Arjo sa kanyang show since ang episode ay birthday presentation ni Maine. Knowing Bossing Vic na isa rin sa adviser ng tambalan nina Alden at Maine, inamin nito na okey lang daw sa kanya ang personal na relasyon ng dalawa.
Ayaw kasing saklawan ni Bossing ang personal na buhay ni Maine at sa pagsasama nga sa taping ng tatlo ay nakita mismo ni Vic kung gaano kamahal at asikasuhin nang husto ni Arjo ang gf kahit ang aktor ang guest sa show.
“Yung personal na buhay niya, dapat respetuhin natin. Eh, talagang sila ay nagmamahalan. Kung mahal niya si Arjo, out na tayo dun, buhay niya ‘yun eh,” say ni Bossing Vic.
***
MIKAEL BITBIT ANG MISIS NA SI MEGAN SA LOCK-IN TAPING NG SERYE
KUNG ang ibang aktor ay iwas hanggang maaari sa bagong paraan ng pagte-taping under new normal, ang ‘Lock-in Tapings,’ iba naman si Mikael Daez dahil feel niya ang magtrabaho sa lock-in kaysa sa mga naunang istilo na nakagawian na.
Kaya marami ang nakapuna na very much inpired si Mikael sa kanyang role sa “Love of My Life” at buhos ang kanyang akting.
Say naman ni Mikael, sa lahat daw kasi ng mga nagawa niyang serye ay sa “Love of My Life” malaki ang naging impact sa kanyang showbiz career. Dagdag pa ni Mikael, ang naturang serye umano ang isa sa pinaka-successful niyang teleserye, na marami raw siyang magagandang komentong natatanggap mula sa mga televiewer. Tsikang kaya raw inspired si Mikael sa lock in taping ay dahil kasamna niya ang misis na si Megan Young sa set.
Ani Mikael, naging malaking inspirasyon daw sa kanya na kasama ang misis sa lock-in taping.