Advertisers

Advertisers

Frankie nangangambang mabura ang wholesome image ni Mommy Sharon sa bagong pelikula

0 522

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

EXCITED si Sharon Cuneta at balik-movie na siya under Viva.

Nag-post pa nga si Sharon sa kanyang social media na nagandahan siya sa story at script ng Revirginized.



Ang direktor ng film na gagawin ni Sharon ay siya ring direktor ng kontrobersyal na Tililing na si Darryl Yap na pinagbidahan nina Baron Geisler at Gina Pareño.

For a change at challenge naman daw para kay Sharon ang bago nitong project.

Sa kabilang banda ay ‘di raw pumabor ang pamilya ni Megastar na gawin nito ang Revirginized.

Lalo na umano ang panganay nila ni Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie na pumalag sa  pelikula ng ina.

Pinaboran naman ng netizens ang hindi pag- sang ayon ni Frankie na gawin ng ina ang nasabing pelikula.



Satsat pa ng netizens na ‘pag ginawa raw ni Sharon ang film ay mabura ang wholesome image nito.

***

Ellen Adarna pumalag sa pag-ahas kay Derek Ramsay

KUNG si Derek Ramsay ay wish na maging magkaibigan sila ng ex-gf na si Andrea Torres, iba naman ang atake ni Ellen Adarna.

Marami na nga raw itong nababasa at nauulinigan na inahas nito ang bf kay Andrea.

Natawa lang si Ellen nung una sa isyung ahasan.

Pero tila nagiging tampulan at pulutan si Ellen ng mga umpukan na isa nga raw itong anaconda.

Umalma si Ellen at madiin nitong ipinagwagwagan na wala siyang inahas.

Well, well, well…’Yun na!