Advertisers
SUGATAN ang isang babaeng dentista nang pagbabarilin ng riding-in-tandem ang sinasakyan nilang kotse sa Don Severino St., Bonuan Boquig, Dagupan City.
Tinamaan ng bala sa kaliwa at kanang balikat ang biktimang si Cristine Joy Dela Peña, 26 anyos, ng San Jacinto, Pangasinan, nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki ang kotseng sinasakyan nila ng da-lawang iba pa niyang kasamang babae.
Masuwerteng hindi tinamaan ng bala ang driver ng kotse na si Kingsly Yadao, 27, negosyante, ng Baritao Manaoag; at ang isa nilang kasama na si Laila Lee, 29, estudyante, ng Poblacion, Manaoag, Pangasinan.
Sa ulat, parehong nakasuot ng dark jacket at nakasakay sa isang kulay kahel na motorsiklo na may tail box ang mga salarin, na kaagad tumakas matapos ang pamamaril.
Isinugod ang biktima ng kanyang mga kasama sa Region 1 Medical Center (R1MC) sa naturang lungsod at nasa ligtas na itong kalagayan.