Advertisers

Advertisers

Cardinal Advincula itinalaga na Archbishop of Manila ni Pope Francis

0 222

Advertisers

ITINALAGA ni Pope Francis bilang bagong Cardinal ng Archdiocese of Manila si Cardinal Jose Advincula Jr.

Ayon sa Manila Cathedral, ang appointment ni Advincula ay inianunsiyo sa Roma ng Santo Papa nitong Huwebes lamang, kasabay ng kapistahan ng Annunciation of the Lord.

Si Advincula, na 68-anyos pa lamang, at dating arsobispo ng Capiz, ang magiging ika-33 arsobispo ng Maynila.



Papalitan niya sa puwesto si Cardinal Luis Antonio Tagle, na kasalukuyan nang nasa Roma simula pa noong Pebrero 2020.

Nabatid na Nobyembre 2020 nang hirangin ni Pope Francis si Advincula bilang Cardinal, na ikasiyam na naging “prince of the Church” sa isang seremonya na ginanap sa St.Peter Basilica.



Si Advincula ay ipinanganak sa Dumalag, Capiz at naordinahan bilang pari sa Archdiocese of Capiz noong 1976.

Isang spiritual director rin si Advincula sa St. Pius X Seminary, kung saan isa siyang professor at dean ng education.



Nag-aral si Advincula ng Psychology sa De La Salle University sa Manila at canon law sa University of Santo Tomas bago nakakuha ng licentiate sa canon law mula sa Angelicum sa Rome.

Matatandaang ang Archdiocese of Manila ay matagal nang Sede Vacante o walang arsobispo, matapos na hirangin ni Pope Francis si Tagle bilang prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples sa Vatican noong Disyembre 2019.

Noong Pebrero 2020, itinalaga naman ng Santo Papa si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo bilang apostolic administrator ng arkidiyosesis habang wala pang nahihirang na papalit kay Tagle. (Andi Garcia)