Advertisers

Advertisers

Andi kinakarir na ang pagbabalik-alindog

0 248

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MATAPOS manganak sa kanilang ikalawang baby ng surfer-partner na si Philmar Alipayo, panahon na para kay Andi Eigenmann na asikasuhin ang kanyang pagbabalik-alindog.

Sa kanyang vlog, seryosong ipinakita ni Andi kung paano niya gustong ma-achieve ang pagto-tone down para manumbalik ang dating pangangatawan.



Sa naturang video rin, ipinasilip niya ang kanyang workout routine sa Instagram stories.

Marami naman ang nag-react sa kanyang intense na routine.

Kahit naka-time lapse mode ang video, ramdam ng kanyang followers ang kanyang effort na maiwaksi ang namuong taba sa pangangatawan dahil sa pagbubuntis noon.

Kakatuwa naman dahil minsan ay nauudlot ang kanyang pagwo-workout sa pagsulpot ng kanyang anak na si Lilo na mistulang walang ideya sa ginagawa ng ina.

Si Andi ay maituturing na semi-retired na sa showbiz dahil mas pinili niyang mabuhay nang simple sa Siargao kasama ang kanyang partner at tatlong anak.



Halos wala namang regrets ang aktres sa buhay na pinili niya bilang isang simpleng housewife at probinsyana.

Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang aktres nang ipasilip niya ang 3D rendering ng kanyang ipinatatayong bahay sa nabanggit na isla.

***

Ogie Diaz gustong makipag-collab kay Ivana

Bilib ang entertainment journalist at talent manager na si Ogie Diaz kay Ivana Alawi.

Ang kanyang latest prank na nag-disguise siya bilang taong grasa ay humamig ng 9.8 million views sa loob lamang ng isang araw.

Aniya, ang maganda raw kay Ivana ay magaling itong mag-isip ng concept para sa kanyang vlog.

Hindi rin daw ito iyong tipong dependent sa kanyang collaborator.

Pagbibiro ni Ogie, sana raw para maambunan siya ng suwerte ay makipag-collab sa kanya si Ivana.

Pagbabahagi pa niya, proud daw siya na ang sexy actress at Youtuber ay produkto ng  kanyang Ogie Diaz acting workshop.

Speaking of the blind item na nai-feature noon sa previous episode ng kanyang show tungkol sa mga dating Kapamilya na hindi na makababalik sa ABS-CBN na ang mga pangalan ay nagsisimula sa M at B, kung feeling daw nina Maja Salvador at Billy Crawford na hindi sila ang tinutukoy sa nabanggit na BI, karapatan daw nila iyon at huwag nang ipilit.

Dahil BI at wala siyang tinutukoy, ang ibig daw niyang tumbukin ay mahihirapang makabalik sina M at B sa Kapamilya channel dahil hindi sila ang magiging prayoridad ng network.