Advertisers
PINAYAGAN na ng Inter Agency Task force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang religious gathering subalit limitado lamang sa 10% seating capacity.
Ito ang inianunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng panawagan ni Bishop Broderick Pabillo ng Manila Archdiocese na ituloy ang pagdaraos ng misa sa kabila ng pagbabawal ng pamahalaan sa anumang mass gathering.
Gayunman, ayon kay Roque, isang beses lang kada araw pwedeng mag-misa mula Abril 1-4.
Hindi naman pinapayagan ang paglalagay ng mga TV screen sa labas ng simbahan upang maiwasan ang mass gathering.
Magugunitang tahasang sinuway ni Pabillo ang utos ng IATF na bawal ang lahat ng uri ng mass gathering at nanindigan na magdaraos pa rin ng misa dahil 10% lang naman ang seating capacity. (Jonah Mallari)