Advertisers

Advertisers

Gobyerno kabado sa hoarding ng Covid vaccines

0 224

Advertisers

AMINADO si vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa pagkabahala ng gobyerno sa “hoarding” na nagaganap dahil sa limitadong suplay ngayon sa buong mundo ng COVID-19 vaccines.

Inihayag ni Galvez sa kanyang pagharap sa online meeting ng United Nations Economic and Social Council (UN-ECOSOC), na maraming mga tao sa buong mundo ngayon ang tinatamaan ng nangyayaring vaccine hoarding.

Bukod dito, maging ang global response ay naapektuhan din aniya ng ganitong hakbang.



Iminungkahi ni Galvez ang pagkakaroon ng international cooperation sa pagresolba ng krisis dala ng COVID-19 pandemic, partikular na sa pagtitiyak nang equitable distribution ng mga bakuna.

Dagdag pa ni Galvez, mainam na palakasin ng international community ang kanilang global solidarities at collective commitment upang malutas ang multidimensional challenges.



Nauna rito ay aminado si UN Secretary General Antonio Gutierres na dismayado ito sa “uneven and unfair” distribution ng COVID-19 vaccines. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">