Advertisers

Advertisers

Duterte inutos sa FDA ang clinical trials ng ivermectin

0 220

Advertisers

INIHAYAG ng Food and Drug Administration (FDA) na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos na magsagawa ng clinical trials ang Pilipinas para sa gamot na ivermectin.

“Inutos ng pangulo nung huling meeting namin nung Huwebes,” ani FDA director general Eric Domingo.

Matatandaang kinontra ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagsasagawa ng clinical trials ng ivermectin dahil maraming bansa na raw ang nag-aaral sa bisa nito laban sa COVID-19.



Nitong Huwebes nang kumambyo ang Science department at sabihin maglulunsad ang pamahalaan ng clinical trials para sa ivermectin.

Ayon kay DOST Sec. Fortunato de la Pena, anim na quarantine facilities malapit sa UP-Philippine General Hospital ang pagdadausan ng pag-aaral na tatagal ng walong buwan.

Binubuo na raw ng Philippine Council for Health Research and Development ang disenyo ng clinical trials.

Nilinaw naman ng opisyal na walang kinalaman ang desisyon na clinical trials sa paggawad nila ng compassionate special permit sa dalawang ospital para gumamit ng ivermectin kamakailan.

Sa ngayon may ilang kompanya na raw ang nagpasa ng aplikasyon para mai-rehistro ang ivermectin sa bansa.



Una nang sinabi ng FDA na ang rehistrado pa lang na ivermectin sa Pilipinas ay para sa pampurga ng mga hayop.

Ayon naman sa World Health Organization at drugmaker na Merck, sa ngayon, wala pang sapat na ebidensyang epektibo at ligtas gamitin ng tao ang ivermectin panlaban sa coronavirus.