Advertisers

Advertisers

Governor DS “Danny Sputnik, ang siga ng Quezon”

0 559

Advertisers

ANG tataba ng utak nitong mga taga-Quezon province. Mantakin nyo, nakaisip agad sila ng ibabansag sa kanilang Gobernador na si Danny Suarez makaraang ipangalandakan nito na nakakuha na raw ng Sputnik V vaccine ang kanyang nasasakupang lalawigan.
Maraming nakapanood sa Facebook sa interview ni Governor Suarez sa press briefing ng National Press Club (NPC) noong nakaraang Biyernes, April 23, 2021 na mga taga-Quezon province.
Eto ang excerpts ng kanyang pahayag: “April 14, dumating na yung Sputnik namin galing Russia. On that line, Sinovac 5,545, AstraZeneca 871. Sputnik wala yung numero pero nasa amin na. I reconfirmed it with our provincial head. Gamaleya Sputnik ang pangalan. Ang balita ko kasi dito sa Sputnik hindi isinama sa region nandun lahat accept Quezon. Kaya nga tinawagan ko si Secretary Francis Duque. Alam mo naman matagal ko ng kaibigan yun, I called him the other day sabi ko Francis ba’t wala akong Sputnik?” pagmamalaking sinabi ni Suarez sa NPC press briefing.
Gayunpaman, hindi naman niya binanggit kung ilang doses ng Sputnik V vaccines ang nakuha ng Quezon at kung may pasilidad sila para sa storage requirement para sa nasabing bakuna. At kung mayroon man, ang tanong, sino ang unang makikinabang sa nasabing bakuna?
Dito nagsimula na siyang (Gov. Suarez) nabansagang “Danny Sputnik” ng kanyang mga botante. Hahaha, katuwa naman kayo!
Aba teka lang, di ba’t ito ‘yung kalaban ng OXO, Commando at Batang City Jail? Hehehehe.
“Maliban na lamang kung magpapakita siya ng pruweba na nakakuha na nga ng Russian-made vaccine Sputnik V ang Quezon. Kung hindi pa, ay naku, palpak ang diskarteng ito dahil binibigyan nya lang ng kawalang-pagasa ang mga taga-Quezon sa gitna ng paglobo ng covid 19.”
Ito ang nag-aalimpuyo sa galit na tanong ng Quezon Rise Movement (QRM), isang bagong tatag na civil society movement na sumisigaw ng pagbabago sa lalawigan.
Hindi kaya ulyanin na itong si Gobernador?
Base sa pahayag ni Pangulong Duterte: “I will direct the secretary of the Department of the Interior and Local Government (DILG) to hold the local government officials responsible for this kind of events happening in their places. It is a violation of the law and if you do not enforce the law, there is dereliction of duty which is punishable under the Revised Penal Code.”
Isa kasi ang Quezon sa mga LGUs na pinakamababa matamlay ang pagtugon sa covid 19, na may 2.9 percent lamang ang vaccination rate. Sa mahigit 2 milyong populasyon ng lalawigan, nasa 14,000 ng mga residente rito ang nabakunahan na, pinakababa sa LGUs na nakatanggap ng bakuna sa buong bansa.
Malaking pagkakamali yata ito ni Gob?
***
SSS North Fairview HOA, planong manipulahin ang eleksyon?
MAY nakapagsabi sa Congress Files na may plano raw ang incumbent leadership na manipulahin ang nakatakdang election of officers kaya ito na-postponed.
Ang kwento sa Congress Files, dini-disqualify ang ka-kandidatong presidente dahil sa pag-post nito ng list of qualified voters. At dalawang kandidato sa board of directors na may arrears na binayaran naman bago ang filing of candidacy. At itong isa, nag accumulate dahil kulang ang dini-deduct ng SSS sa sweldo niya na hindi siya aware.
Base sa nakasaad sa liham na inilabas ng SSS North Fairview HOA dated April 26, 2021, “The Association By-laws provides that among the rights and privileges of a member IN GOOD STANDING is to be able to vote on all matters brought before the members, to be eligible to elective or appointive office of the association.”
Further, Board Resolution No. 2018-001 provides that homeowners/members who are in default and in arrears for more than six months in the payment of monthly association dues shall be considered as NOT OF GOOD STANDING and shall not be allowed to vote, be nominated, elected and or appointed as director/officer of the Association.
So, ayan ang pagkakaiba. Kung walang utang GO! Kung may utang, TSUGI!
Para yatang napakababaw ng dahilan para i-disqualify nyo ang isang kandidato na nag-post ng mga qualified voters. Karapatan nya ‘yun bilang kandidato! Saka nagbayad naman pala ng kanilang atraso ang dalawang kandidato sa board of directors.
Nasa inyo na ba lahat ang kapangyarihan para isa-isahin nyo i-disqualify ang kabilang panig?
Hindi yata tama ‘yan! ‘Wag naman kayong diktador!
Ang balita pa, nag-appoint daw umano ng puro kaalyado ang incumbent leadership ng mamamahala sa eleksyon o yun tatayong “comelec” para ito ang sumala sa mga aspirante. Pero balitang tsinugi na yata ang “comelec.” Mabuti naman!
Isa pang katanungan ng mga residente, bakit hindi nakararating sa aming kaalaman na may board resolution na ang bawat ang inyong ipinatutupad na polisiya o proyekto?
Kami ang bumubuo ng homeowners association at kayo lang ang namamahala, hindi taga-dikta!
21 years na akong naninirahan dito, wala akong nabalitaang nagpatawag ng general assembly ang sinumang pamunuan para hingin at pakinggan ang opinyon ng bawat residente.
Wala rin kaming natatanggap na statement of account ng mga proyektong ipinagawa at gagawin pa.
Para sa kasalukuyang liderato, magpatawag kayo ng general assembly bago ganapin ang eleksyon para marinig nyo ang mga hinaing ng mga residente. ‘Wag nyo kaming diktahan bigla!
Hindi gustong makasira ng reputasyon ang Congress Files kundi isang suhestiyon at paalala sa liderato bilang isang lehitimong residente sa SSS Homes North Fairview.
Marami na rin lumapit sa Congress Files na taga-rito upang iparating sa liderato ang kanilang “sama ng loob” kaugnay sa mga kaganapan dito sa loob ng subdivision.