Advertisers
ARESTADO ang isang lalaki na nagsasamantala sa menor de edad ma kapitbahay sa Barangay Minuyan Proper,San Jose del Monte, Bulacan.
Kuwento ng tiyahin ng 15-anyos na biktima, nahuli niya ang mga mensahe sa cellphone ng pamangkin kungsaan tinatakot siya ng katitbahay na lalaki.
Nagse-send aniya ng mga malaswang video ang lalaki sa dalagita.
Dahil magkapitbahaybahay lang ang lalaki at ang biktima ay madali silang nagkikita.
Tinatakot umano ng lalaki ang dalagita na huwag magsusumbong sa kahit kanino.
Ayon pa sa tita, pinagsamantalahan talaga ng lalaki ang kaniyang pamangkin.
Nitong Sabado, nahuli ang dalawa na magkasama sa isang talahiban at nakahubad ang lalaki.
Depensa ng lalaki, kasintahan niya ang dalagita at inaaway lang siya ng ate ng biktima. Hindi naman aniya sinaktan ang biktima.
Nakatakdang sampahan ng kasong statutory rape ang lalaki.