Advertisers

Advertisers

Pagturok ng AstraZeneca itutuloy na – DoH

0 261

Advertisers

SINABI ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Mayo 7, na opisyal ng ipagpapatuloy ang pagtuturok ng Oxford AstraZeneca vaccine para sa lahat ng eligible population, kasunod na rin ng rekomendasyon ng Food and Drug Administration (FDA) at ng DOH All Experts Group on Vaccines.
Matatandaang dati ay ipinasya ng DOH na itigil muna ang paggamit ng AstraZeneca para sa mga indibidwal na nasa 60-taong gulang pababa, base na rin sa rekomendasyon ng FDA, matapos ang mga ulat na maaari itong magresulta sa ‘very rare cases’ ng Vaccine-Induced Thrombosis and Thrombocytopenia (VITT).
Base sa ebidensiya, ang VITT ay isang ‘very rare condition’ ng blood clots na may kinalaman sa mababang platelet counts na nagaganap, apat hanggang 28-araw matapos na matanggap ang isang viral vector vaccine gaya ng AstraZeneca.
Matapos naman ang diskusyon sa DOH All Experts Group at sa Philippine College of Hematology and Transfusion Medicine (PCHTM), nagkaroon ng konklusyon na sa kasalukuyan ay wala pang tukoy na risk factors para sa VITT at ang benepisyo nang pagtanggap ng bakuna laban sa COVID-19 ay mas matimbang pa rin sa risk o panganib nito.
Gayunman, magpapatupad pa rin umano sila ng mga ispesipikong guidelines at mga pamamaraan upang ma-mitigate o mapagaan ang posibleng panganib nito.
Nilinaw din naman ng DOH na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa namang anumang lokal na VITT events na nakumpirma ang FDA at ang National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC) sa bansa.
Inihayag din ng DOH na napapanahon ang pagpapatuloy ng pagbabakuna ng AstraZeneca at pag-iisyu ng guidelines para dito dahil may dalawang milyong AstraZeneca vaccine ang inaasahang darating sa bansa sa buwang ito.
Samantala, hinikayat din ng DOH ang publiko na magpaturok na ng second dose ng COVID-19 vaccines.
Binigyang-diin ng DOH na ang benepisyo ng karagdagang proteksiyon laban sa COVID-19 ay maaari lamang makamit kung nakumpleto na ang dalawang dose nito.
Patuloy din naman ang paalala ng DOH sa publiko, na kahit nabakunahan na sila, ay ipagpatuloy ang istriktong pagtalima sa ipinaiiral na minimum public health standards ng pamahalaan upang tuluyan nang maputol ang hawahan ng COVID-19. (Andi Garcia)