Advertisers

Advertisers

Pangako ni Duterte nung kampanya, joke!

0 321

Advertisers

TAHASANG sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang “pure campaign joke” ang kaniyang ipinangako noong 2016 na pupunta siya sa Spratly Islands gamit ang jet ski at maglalagay ng bandila ng Pilipinas.
“Panahon ng kampanya ‘yan. At saka ‘yung biro na ‘yun… ‘yung bravado ko, it was a pure campaign joke. At kung naniniwala kayo sa kabila, pati na rin si Carpio, I would say you are really stupid,” inihayag ito ni Duterte sa kaniyang public address.
Giit naman ni Duterte na pinlano niyang ituloy ang naturang pangako.
Bumili pa aniya siya ng segunda manong jet ski ngunit hanggang ngayon, hindi pa aniya dumarating.
Katwiran ni Duterte na mawawalan siya ng gasolina at hindi nito kakayanin ang malalaking alon kung itutuloy ang nasabing plano.
“Sige, maghanap ka ng tao dito magpunta ng jet ski. Aabot pa ng ilang oras, I would conk out in the middle of the sea,” ani pa nito.
Aminado ang Pangulo na natakot siyang mamatay dahil hindi siya marunong lumangoy sakaling lumubog ang jet ski.
“Sabi ko, mahirap ito. Sabihin ko na lang balang-araw na inabot ako ng takot. Wala akong magawa. Takot akong mamatay,” ani Duterte.
Dagdag pa nito, “Alam ba ninyo na hindi ako marunong maglangoy? Eh kung matumba yang yawa na ‘yan, magkakapa kapa na ako. By this time, I would’ve been the late Rodrigo Duterte.” (Josephine Patricio)