Advertisers
MARIING nagbabala si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa mga nagbebenta ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19), partikular sa San Juan at Mandaluyong.
Sinabi ni Abalos, kulong ang tiyak na kakaharapin ng sinumang mahuhuling nagbebenta ng bakuna matapos nilang makipag-ugnayan sa Cyber Crime Division ng National Bureau of Investigation at Philippine National Police, gayundin kay Justice Secretary Menardo Guevarra.
Iginiit ni Abalos na libre ang bakuna kaya’t ilegal ang anumang pagbebenta nito.
Una nang nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) na mahaharap sa patung-patong na kaso ang mga dawit sa pagbebenta ng bakuna o maging ng vaccination slots.
Habang ang LGU officials namang masasangkot dito ay kakasuhan agad sa Office of the Ombudsman. (Josephine Patricio)