Advertisers
INILUNSAD ng Philippine National Police (PNP) ang bagong automated system upang maiwasan ang “folder-for-sale” scheme ng mga tiwaling pulis.
Pahayag ni PNP-Internal Affairs Service (IAS) Chief Inspector Gen. Atty. Alfegar Triambulo, talamak kasi ang tinatawag na “folder-for-sale” sa hanay ng IAS kung saan dinidispatsa ng mga ito ang mga “folder” na naglalaman ng impormasyon laban sa mga tiwaling pulis, kapalit ng pera.
Para aniya, masigurado na protektado ang kanilang mga hawak na impormasyon at upang matiyak din na wala silang backlog ay naglunsad sila ng automated system katuwang ang cmis o ang content management inter-operability services.
Sinabi rin ni Triambulo na sa ilalim ng bagong sistema ay kaya na rin ma-track kung idini-delay ang reklamo laban sa isang pulis na sangkot sa anumang anomalya.