Advertisers
NILINAW ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi pa sarado ang posibilidad na tumakbo bilang Presidente sa 2022 elections si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Roque, malinaw ang pahayag ng Pangulo na ayaw niyang tumakbo bilang Bise Presidente subalit hindi naman nito sinasabing hindi siya tatakbo.
Dagdag pa ni Roque, wala namang batas na nagbabawal kay Pangulong Duterte na tumakbo bilang Bise Presidente, alinsunod na rin sa Omnibus Election code.
Magugunitang nagpasa ng resolusyon ang PDP Laban National Council na humihimok sa Pangulo na tumakbo bilang Bise Presidente.
Maging si Roque ay nagpahayag na rin ng interes na tumakbo bilang Senador sa ilalim ng administrasyon, at kung sakaling tatakbo bilang Pangulo si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte. (Jonah Mallari)