Advertisers

Advertisers

LP suportado si Leni sa Presidential Derby…‘ISA LANG DAPAT PANLABAN NG OPOSISYON!’

0 208

Advertisers

NAGPAHAYAG ng suporta ang Liberal Party (LP) sa posisyon ni Bise Presidente Leni Robredo na isa lang dapat ang maging kandidato ng oposisyon bilang pangulo sa susunod na halalan.

Si Robredo ang kasalukuyang chairperson ng partido.

Sinabi ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, presidente ng LP, malaki ang posibilidad na manalo muli ang kandidato ng administrasyon kung marami ang mag-aagawan sa posisyon.



Kaya dapat aniya ay magkaisa ang oposisyon ng gobyerno, at magkaroon ng isang kakatawan na haharap sa ipapambato ng administrasyon.

“The Vice President said that candidate will not necessarily be her. That in itself is lessons learned in 2016 and 2019,” ayon kay Pangilinan sa panayam ng ANC.



Sa Hunyo 12, Araw ng Kalayaan, inaasahang ilalabas ng opposition coalition na 1Sambayan ang listahan ng mga kandidato na kanilang ie-endorso para sa 2021 elections.

Una nang sinabi ni Robredo na bukas siyang tumakbo bilang pangulo, pero wala pa siyang pinal na desisyon ukol dito. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">