Advertisers

Advertisers

Alex madalas makaaway ang mister dahil sa kaartehan; Pacman sinabihan ni Duterte na nagmamarunong

0 217

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SINOPLA ni Pangulong Duterte si Senador Manny Pacquiao kaugnay ng naging pahayag nito sa naging puna nito sa isyu ng West Philippine Sea noon.

Nasabi kasi noon ng Pambansang Kamao na nakukulangan siya sa aksyon ni Digong pagdating sa paggiit sa karapatan ng bansa sa pagmamay-ari sa pinag-aagawang isla.



Resbak naman ng Pangulo, mababaw daw ang kaalaman ng boxing icon sa ganitong mga usapin at makabubuting mag-aral muna ito bago magbigay ng pahayag.

Ang nasabing pahayag ay sinabi ng Pangulo sa panayam sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan, si Pastor Apollo Quiboloy.



“It’s about foreign policy. I would not want to degrade him, but next time he should…mag-aral ka muna nang husto,” ani Duterte.

Sey pa niya, hindi raw dapat magmarunong ang pride of Saranggani.



“Apparently, this guy has a very shallow knowledge,” sey pa ni Digong.

Matatandaang pinuna noon ni Pacquiao si Digong dahil dapat daw ay maging consistent ang pangulo sa stand nito sa West Philippine Sea na sa palagay niya ay nagbago kumpara noong nangangampanya pa lamang ito para sa national election.

Si Pacman din ang isa sa mga matunog na pangalan na posibleng kumandidato sa 2022 national elections.

***

SA kanyang Instagram account, sinabi ni Alex Gonzaga ang madalas na hindi nila pinagkakasunduan ng kanyang mister na si Mikee Morada.

Ang nasabi kasing post ay may kinalaman sa pagsusuot niya ng swimsuit na hindi naman nagustuhan ng kanyang asawa.

“Isa sa mga dahilan kung bakit kami nagkaka-inisan mag-asawa. Nagpapa-picture ako sa kanya ng mga kaartehan at kafeelingan,” ani Alex.

Ito raw ang naging dayalogo ni Mikee.

“Mikee: “Ano na naman ‘to Catherine! Bakit ganyan damit mo at pose mo.” Pero click pa rin siya picture.” (ayon kay Alex)

Komento naman ni Toni, nakatagpo na raw ng katapat si Alex dahil siya ang male version ni Mikee.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang away-bating relasyon ng mag-asawa.