Advertisers
Ni WALLY PERALTA
ISANG taon mahigit na rin naman ang nakalipas nang lisanain ni Bianca King ang bansa at magtungo sa Australia.
At sa mga panahon na yun ay ‘tahimik’ ang kampo ni Bianca. Kaya nga ganun na lang ang gulat ng mga netizen nang biglang bumulaga ang mga larawan sa kanyang social media accounts na pinakita ang simpleng kasal ni Bianca sa kanyang mister ngayon na si Ralph Wintle, kapatid ng mister naman ni Iza Calzado na si Ben Wintle.
At sa isang larawan ay nagsulat ng ganitong caption si Bianca:
“Something good that came out of the pandemic. If I hadn’t gotten “stuck” in Australia, Ralph and I might’ve been apart for years. But the universe decided I would arrive in Sydney a few days before the borders closed. Without closure on my Manila life, I settled in Australia. Being together almost 24/7 in the past year worked out for us!”
Sa IG stories ni Bianca ay kinuwento niya roon ang ilang kaganapan sa kanyang super simpleng wedding. Ani Bianca, bilang na bilang lang na tao ang nasa living room kung saan naganap ang kasalan.
Ang bespren naman niyang si Mari Jasmine ang tumayong ninang at bridesmaid, maid of honor at kaisa-isang bisita. Dagdag na kuwento pa rin ni Bianca siya na mismo ang gumawa ng kanyang make-up, maliban sa kanyang hair style.
Maging sa flower arrangement ay si Bianca rin ang nag-ayos.
Sa isang tulad niyang celebrity, hindi ba niya pinangarap na magsuot ng bonggang wedding gown dahil sa kanyang kasal ay isang simpleng wedding gown lang ang kanyang suot.
Wala naman kayang balak magbigay man lang ng isang party si Bianca para sa mga taong mahal niya sa buhay na hindi nakadalo sa araw ng kanyang kasal?
“One day we will throw a party! Maybe our first child will be 5 already then,” dagdag pa rin ni Bianca
***
SA gitna ng labis na kasiyahan ng beauty queen/actress na si Winwyn Marquez sa naging response ng mga televiewers sa katatapos lang nilang seryeng “Owe My Love” at kahit pa naging mataas ng ratings ng naturang romcom na pinagbibidahan nina Benjamin Alves at Lovi Poe mula ng umpisa hanggang matapos na i-ere, may isang karanasan ang dalaga na hindi niya malilimutan sa seryeng kinasamahan.
May isang waitress kasi na pinagtripang sampalin ang byuti ni Winwyn. Kwento ni Winwyn, nagkayayaan raw ang kanyang byuti kasama ang ilang prens na kumain sa isang restawran. Sa pagpasok palang nina Winwyn sa restawran, marami na agad crews and waitress na nais magpa-picture sa kanya. Hindi naman pinahiya ni Win ang mga ito dahil sa bukod sa pangalan niya ang sinasabi ay tinatawag din siya sa pangalan ng karakter niya sa “Owe My Love”, si Trixie Gibs. Labis na kinagalak naman ito ni Winwyn dahil sa obvious na pinapanood ng mga ito ang kanilang serye. Ang siste lang, hindi lahat ng andun sa naturang resto ang nais magpa-selfie kay Winwyn, may isa raw staff ang nagsabi sa kanya na ang galing niya sa kanyang role bilang kontrabida at dahil dito ay pabirong sinabi ng staff na ‘pwedeng pasampal’ para maipaghiganti raw niya si Sensen, na papel ng bidang babae na si Lovi.
“Biglang lumapit, nagpapa-picture ‘yung mga staff, sabi ng isang waitress, ‘Pasampal naman po! Okay lang?!’ sabing gano’n! Ahm, hindi ko alam gagawin ko,” say ni Winwyn.
Kaloka!