Advertisers

Advertisers

Kim ayaw pa magkadyowa kaya binasted si Joshua?; Tom at Carla nakaramdam ng pressure sa kasal

0 401

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

INAMIN nina  Carla Abellana  at Tom Rodriguez na nakadama sila ng pressure sa mga tao sa kanilang paligid na maging engaged noon.

Pero nasa plano ni Tom na mag-propose kay Carla pero kailangan daw ay perfect timing ang lahat.



“I  admit  I  was getting  a lot  of  it.  At  first. I would  feel that  pressure  years  back.  Buti  na lang, I  was blessed enough to have  people  around  me who give me the  advice  na huwag  magpa-pressure agad.  Ang sarap  din  na mabasa ang messages nila  and  to  see  how  they are  reacting  because it is  very well  intended  kaya how can you  think  badly  or  put  a  negative connotation on something  that   stemming from  a  place  of  love,” say ni Tom.

Sabi naman ni Carla, “Alam naming kasama sila sa mga nagdasal  talaga. They  only  want what’s  best  for  Tom  and me. We are very happy  that  they  are  happy  for  us. Thank  you  to  all   our  fans  all  over  the  world. Kasama  sila  sa  mga  nag-pressure  but  we are glad  na nabigyan  namin sila  ng  good  news. Okey  yun  lalo na sa  panahon  ngayon, kailangan  nating  maging  happy.”



Magaganap  ang  church wedding  nina Carla at Tom  sa  San Guillermo  Parish  in Talisay, Batangas on December 21, 2021.

***



TINATANONG ng mga nakabasa sa post ni Kim Domingo sa Instagram na, “I`m  in  a  relationship  with no one but  myself,” kung  yun daw ba ang reaction  niya  sa  isyu  sa  kanila ni Joshua Garcia.

Ang isyu naman kasi ay nililigawan pa lang at hindi totoo na madyowa na ang dalawa.

Kung pagbabasehan ang post ni Kim na kahit mag-entertain ng manliligaw  ay ayaw pa niya at agree siya sa nag-comment na, “self care”  at  “self love” muna ang uunahin niya.

Dahil dito ay parang sinarado na ni  Kim na walang mangyayari sa panliligaw ni Joshua (kung totoo nga nanliligaw ang young actor) at para hindi na lumaki ang isyu sa kanila ni Joshua.

Ang sigurado ay mananatiling mapapanood si Kim sa Bubble Gang kasama nina Michael V at BG barkada every Friday at  10:12 ng gabi sa GMA 7.

Magmula nang mapasama si Kim sa longest running gag show sa television ay natupad ang mga pangarap niya, tulad ng pagkakaroon ng sariling tahanan at mabigyan din ng sariling tirahan ang kanyang grandmother.