Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
AMINADO si Lovely Rivero na masaya siya sa takbo ng kanyang showbiz career.
Napapanood ngayon ang aktres sa First Yaya ng GMA-7 na tinatampukan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez. Bahagi rin siya ng May Fantastic Pag-Ibig-Ganda Problems sa GTV na napapanood every Saturday. Siya’y nakatakda ring mag-taping para sa guesting sa MMK.
Si Lovely ay mapapanood din sa online show ng K5 Digital Media na Its a Lovely Day na tatalakay sa iba’t ibang paksa at timely issues. Patuloy pa rin ang Lifestyle & Culinary Cable show niyang A Taste of Love na ipinalalabas from Monday to Friday at 4pm sa Pinoy Xtreme cable TV, produced by JEV Productions.
Sambit ng aktres/TV host, “Nasa third season na po kami now and excited na ako for our fourth season dahil makakasama ko po ang celebrity doctor na nakilala at hinahangaan ngayong pandemic, ang doctor po na nag-umpisang mag-push for Ivermectin as a treatment and prevention for Covid 19, ang tinaguriang isa sa modern day heroes natin, the good and caring doctor, Dr. Allan Landrito.”
Sa pelikula naman, nag-guest siya sa Yorme na ukol sa life story ni Mayor Isko Moreno. Si Lovely ay may gagawin ding indie movie para sa isang American film production.
Siya ay nagsimula sa showbiz noong 9 years old pa lang at unang napanood sa educational children’s TV show na Kaluskos Musmos. Kinalaunan, si Lovely ay naging isa sa original members ng That’s Entertainment ni German Moreno. Ang naging launching movie niya together with Jaclyn Jose, Karla Kahlua, Rachelle Ann Wolfe, and Tanya Gomez ay ang CHIKAS noong 1984.
Ilang dekada na rin siya sa showbiz at hanggang ngayon, bukod sa hindi nawawalan ng projects, tila pati kanyang ganda ay hindi rin kumukupas.
Ano ang pinaka-memorable na pelikulang ginawa niya at ano ang kanyang dream role?
Tugon ni Lovely, “Lahat naman ng ginawa kong movies ay memorable for me kasi natututo ako sa bawat project. Pero siguro ang pinakagusto ko ay yung mga kasama ko ang mga icon ng industriya natin like yung movies na nagawa ko kasama sina Fernando Poe Jr, Eddie Garcia, at iba pa.”
Aniya pa, “Wala naman akong dream role talaga basta ang importante is may sustansiya naman yung role na ginagampanan ko. As long as the part is interesting and challenging naman, okay sa akin ‘yun.
“I’m also realistic enough to know na sa panahon ngayon, siyempre ang usual roles na ng mga actors sa age bracket ko ay nanay, tita, nakatatandang kapatid, etc. So basta may katuturan at depth yung role at hindi lang parang palamuti, okay sa akin. I consider myself kasi a regular working actress or character actress and as such, walang maliit or malaking role, as long as may sense yung role at character, ‘di naman kailangan na mahaba palagi ang exposure.”
Sino pang mga artista ang wish niyang makatrabaho? “Naku, napakarami ko pang gusto makatrabahong mga artista. Sa mga medyo bata pa, gusto ko maka-work sila John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at lahat ng magagaling na mga kabataang artista ng GMA, ABS CBN, TV5, at even yung mga indie actors natin na magagaling.
“Sa mga veteran actors, gusto ko maka-work siyempre kung puwede lang lahat sila lalong-lalo na si Ms. Vilma Santos. Dahil kagaya ng nasabi ko kanina, I am very passionate about my work kaya kung makakatrabaho ko ang mga magagaling na mga artista, I’m sure I will be learning a lot from them. At yun ang pinakagusto ko, yung lagi akong natututo dahil when I see actors na ang galing-galing, lalo akong nai-inspire na mas pagbutihin pa ang trabaho,” wika pa ni Lovely.