Advertisers

Advertisers

Bangkay ng treasure hunter natagpuan sa loob ng kuweba

0 332

Advertisers

NATAGPUAN na ang labi ng isa sa tatlong treasure hunters na nawawala sa loob ng isang kweba sa bahagi ng Mount Kablalan sa Sitio Nabilan, Barangay Dinaig Proper, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Miyerkules ng hapon.

Ayon kay Maguindanao PDRRMO Chief, Nashrullah “BabyBoy” Imam, nakatanggap sila ng tawag mula sa MDRRMO ng bayan para humingi ng tulong upang i-rescue ang biktima.

Kinabukasan agad tumulak ang team ng PDRRMO kasama ang DOS MDRRMO, PNP, at BFP upang i-rescue si Anwar Zacaria. Pasado 4:00 ng hapon nang matagpuan ang kanyang labi.



Aminado si Imam na pahirapan sila sa pag-rescue sa biktima pagdating sa loob ng kweba dahil kailangan pa nilang gumapang bago makuha ang kanyang bangkay.

Base sa pahayag ng dalawa sa mga kasamahan ni Zacaria, habang papasok sila sa isang butas nang makaamoy ang mga ito ng animo’y gas kaya nagdesisyon sila na agad lumabas ngunit tanging ang biktima lamang ang hindi na nagawa pang makalabas mula sa loob.



Malaki ang paniniwala na posibleng na-suffocate sa loob ng kweba ang biktima na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">