Advertisers

Advertisers

Atat na ring pakasal… Lovi hinihintay na lang ang marriage proposal ng dayuhang dyowa

0 295

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HALOS 3 taon na rin naman ang relasyon ng magsyotang Lovi Poe at British boyfriend niyang si Monty Blencowe. Hindi naging hadlang ang layo ng distansya nila sa isa’t isa, isama pa rito ang hirap na makakuha ng visa para makapagbiyahe outside their respective country. Pero sa kabila nito ay nananatili silang matatag at tila kasal na lang ang kulang sa kanilang pagmamahalan.

May nagsasabing waiting na lang ang byuti  ni Lovi sa marriage proposal ng boypren. Sure na kaya si Lovi na si Monty na ang kanyang future and willing siyang maging misis nito?



“Well, you know, ang hirap sabihin but you know, he’s great and I hope, I hope. Yeah, hopefully,” sabi ni Lovi.

Napag-uusapan na kaya ng dalawa ang tungkol sa pagpapakasal at kailan naman kaya nila balak  gawin ito?



“For me I just don’t have like a target age or whatever. It’s just, if it happens or when it happens, it will happen. When the time is right, you’ll feel it,” sey pa ng aktres.

At dahil magkaiba ang kanilang citizenship at bansang kinalakihan, dumating na kaya sa puntong nagtalo ang dalawa kung saan sila maninirahan sakaling mapagpasyahan na nilang pakasal? Sa Pinas o sa States?



“It’s hard to say, andito kasi ang life ko ‘di ba? So ang hirap sabihin. I see myself still flying back and forth kahit pagod na pagod na ako,” saad pa ni Lovi.

***

DANIEL PADILLA WALEY SA A-LIST INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

MAITUTURING na isa sa pinakamatatanda nang international filmfest ang Locarno Film Festival in Switzerland at kahit sa kabila ng pandemya ay idaraos ang kanilang ika-74th Locarno Film Festival simula Agosto 4 hanggang 14. at ang kaisa-isang competing film na nakapasok sa screening ay ang movie nina Daniel Padilla at Charo Santos, ang ‘Kun Maupay Man It Panahon’ na  unang mapapanood and gets its World Premiere.

Sa side ni Daniel Padilla ay first time niya sana na aattend at makikipag-celebrate internationally sa film nila ni Charo pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nalagay sa mahigpit na health protocol ang bansa kahit pa sa mga Pinoy na bibiyahe sa ibang bansa at nasa bubble taping pa si Daniel sa isang bagong serye nila ni Kathryn Bernardo at hindi siya agad-agad mapu-pull out sa naturang taping.

Maging si Charo ay nagkaroon ng ibang importanteng schedule kaya ‘di rin ito makapupunta.

Samantala, all out support naman si FDCP Chairperson and CEO Liza Diño at gorabel ang kanyang byuti sa naturang festival para suportahan lahat ng mga pelikulang Pinoy na kasama sa line-up ng 74th Locarno Film Festival.

“We are tremendously proud of the journey of ‘Kun Maupay Man It Panahon,’ which is a milestone in Philippine regional cinema. FDCP is honored to have supported Carlo Francisco Manatad’s journey from the development and production of this project until now when it’s ready to be shown to the world. We thank Locarno for giving it a world premiere and express our heartfelt gratitude to all international film labs, programs, and organizations for believing in and extending support to a Filipino regional film,” saad ni Chairwoman and CEO Liza.