Advertisers

Advertisers

Sen. Win Gatchalian interesado tumakbong Bise Presidente sa 2022

0 221

Advertisers

TATAKBONG Vice Presidente si Senador Sherwin Gatchalian sa 2022 Elections.

Subalit gagawin lamang aniya ito kung siya ang pipiliin na running-mate ni potential presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ani Gatchalian, malabnaw pa ang kaniyang planong pagtakbo dahil sa patuloy pa aniyang konsultasyon at pakikipag ugnayan sa mga kinauukulang grupo.



Gayunman ani Gatchalian, malinaw na hindi siya tatakbo bilang vice president kung hindi ang presidential daughter ang kaniyang magiging running mate.

Ayon kay Gatchalian, na noong mga nakalipas na buwan ay naimbitihan siya para maging bahagi ng senate slate na sinusportahan ng grupo ng alkalde na hukbong pagbabago dito rin niya umano ipinahayag sa alkalde na bukas siya sa posibilidad na pagtakbo bilang bise presidente.